Miyerkules, Abril 12, 2017

Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual

Suring Basa
ng kwentong:
Ang Kalupi
Ni Benjamin P. Pascual

I.               May akda
Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte Siya’y isang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Brgado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.


II.             Buod

Nagsimula ang istorya sa isang umaga habang si aling Marta ay papuntang palengke para mamili ng uulamin ng kanyang mag anak para tanhalian. Espesyal ang araw na iyon kaya kailangan niyang mag handa ng spesyal sapagkat ga-gradweyt na ang kangyang anak sa mataas na paaralan. Para sa kanya, malaking bagay na para sa isang mahirap na magulang ang makapagpatapos ng anak sa high school. Sinimulan na niyang baybayin ang daan patungong palengke. Nang marating na niya ito, kitang kita mula sa labas ng palengke ang di magkamayaw na tindero’t tinder na halos pasigaw ng bibinta ang kanilang binibinta at ang mga mamimimili ay walang humpay sa pagtawad. Linggo ny umaga iyon kaya maraming tao at siksikan, sa kanyang daan papasok, nabangga siya ng isang gusgusing bata, marumi at payat na may dalang tigbebenteng bangus. Sa wari niya ang batang iyong ay mahirap. Humingi ng paumanhin ang bata sa nangyari ngunit binulywawan niya ito saka nagpatuloy sa paglakad. Papunta na siya sa tindahan ni aling Gondang kung saan madalas siyan bumili. Ng akmang babayad na siya at dumukot sa kanyang bulsa, doon niya napagtantong ang kanyang kalupi ay nawawala, ang ngiting naipinta sa kanyang manipis na labi ay biglang nawala, pagkalaoy parang kidlat niyang naalala ang batang bumangga sa kanya nung siya ay papasok pa lamang sa palengke, walang pasabi siyang umalis sa tindahan ni aling Gondang at hinanap ang gusgusing  bata na bumangga sa kanya, hinanap niya kung saan-saan at nakita ang bata sa gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost. Pagkakit’y agad niya itong binatak at hinawakan sa leeg upang paaminin sa pagdukot ng kanyang pitaka ngunit hindi umamin ang bata na si Andres Reyes, sa halip nagsalita lang ito ng mahina at sinabing hindi niya kinuha ang kalupi, nanggagalaiti sag alit si aling Marta, napapansin narin sila ng mga tao. Maya-maya pa’y dumating ang isang pulis at sinubukang ayusin ang sitwasyon ngunit si aling Marta ay inip na at galit at sinabing dalhin na ang bata sa outpust. Pagdating nila sa outpost umalis muna ang pulis para kumuha nga kahalili, samantalang ang batang gusgusin ay nilalaro ang sa kanyang daliri ang hawak na tig bebenteng bangus, pagkalao’y naalala ni aling Mart ang kanang anak na gagradweyt at ang kanyang asawa na inip ng naghihintay sa kanya, bunga ng galit inusig niyang ulit ang bata at pilit na pinapaamin kung saan dinala ang kanyang kalupi. Ang bata ay umiiyak na sa sakit at pagkuay kinagat niya ang daliri ni Aling Marta, ayaw man niyang tumakbo ngunit siya’y natatakot na kay aAling Marta dagli siyang tumakbo palayo sa outpost kung saan naroon si Aling Marta, hinahabol siya kasama nung pulis na kaninay nag interbyu sa kanya. Wala ng ibang marinig si Andres kundi ang malakas na tilian ng mga tao at isang malaks na busina ng sasakyan. Biglang nagdilim ang kanyang paningin at sa muling pagdilat ni Andres nakita niya ang kanyang katawang lupaypay na naliligo sa sariling dugo. Samantalang si Aling Marta ay tila tinakasan ng kulay, pinagpapawisan ng malamig at kumakatog ang tuhod. Maraming tao na ang nakapaligid sa kanila at minabuti niyang kinausap ang pulis at nagpaalam na siya’y aalis na. samu’t sari ang tumayakbo sa isipan ni Aling Marta at naisip niyang umutang muna ng pang ulam kina Aling Gondang ng sag anon, hindi siya mapapgalitan ng kanyang mister at sasabihin na lamang nito na nawala ang kanyang kalupi pagkatapos ng kumain. Malayo pa lamang siya sa kanilang bahay ay natanaw na niya ang kanyang anak na nakadungaw sa bintana nakangiti sa kanya at sinalubong siya, pagkalapit na niy, iglang kumunot ang noon g kanyang anak at nagtanong kung saan siya kumuha ng perang pambili sa kanyang dala, utal-utal na sabi naman ni Aling Marta na sa kanyang kalupi, sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa at sinabing.. “Ngunit, Marta, ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, parang kidlat na sumagi sa kanyang isip ang mga nangyari sa palengke at ang gusgusing bata na bago namatay ay pilit na sinasabing kahit kapkapan pa siya ng kapkapan, walang makukuha sa kanya. Saglit siyang natigilan at pinangangapusan ng hininga, sa wari niya’y umiikot ang buong paligid. Tanging narinig na lamang niya ang yapag ng kanyang asawa’t anak patungo sa kanya na tinatanong, “Bakit kaya” “Bakit kaya”



Pamagat
“Ang Kalupi”

a.   Tagpuan
Sa “Palengke” kung saan nabundol si Aling Marta ng isang nagmamadaling gusgusing bata na may hawak na tig-bebentang bangus.


b.   Tauhan
Aling Marta                       -  sumisimbolo sa isang ina na may matayog na pangarap sa kanyang buhay, isang ambisyosa at mapanghusgang maybahay.
Gagradweyt na babae      - anak ni aling marta na magtatapos ng pag-aaral sa high school
Andres Reyes                    - ang gusgusing bata na nakabundol kay Aling Marta
Aling Gondang                  - isa sa mga tindera sa palengke na madalas binibilhan ni Aling Marta
Pulis                                   - ang umaksyon sa gulong kinasasankutan ni Aling Marta at ng bata.
IV. Epekto sa mambabasa
            Magkakaroon ng masidhing damdamin at mamumulat sa realidad n gating lipunan. Bawat tauhan ng kwento ay sumisimbolo sa bawat uri ng tao ang meron tayo sa ating komunidad.


V. Konklusyon
            a. Aral
            Hindi magandang ugali ang manghusga sa kapwa lalo pa’t ang basehan lamang n gating panghuhusga ay ang kanyang pisikal na kaanyuan. Hindi lahat ng gusgusin at mukhang mahirap ay mandurugas o masamang tao. Hindi rin makakabuti sa tin kung hindi nayin matanggap an gating sarili, an gating estado sa buhay. Hindi naman masama ang mangarap at maghangad ng masaganang buhay huwag lamang natin tularan ang pamamamaraan ni Aling Marta.


            b. Puna

            nakakapukaw damdamin ang kwentong ito, dapat lamang na mabasa ito ng lahat ang nais  ko lamang ay mabigyan ng katarungan ang pagkawalang hustisya sa mga bata o taong katulad ni Andres, bagaman gusgusin hinuhusgahan na agad na masama ang loob. Nabigyan pa sana ng pagkakataon si Andres na ipagtanggol ang kanyang sarili at mapatunayan na siya’y inosente.

Huwebes, Abril 6, 2017

kaleidoscope

why so things are hard for me to get?
did i do something wrong to deprive my happiness? why cant just live and enjoy my life? why do my dictionary doesn't have such words as "lucky" and "happiness"