Suring Basa
ng kwentong:
Ang Kalupi
Ni Benjamin P. Pascual
I.
May akda
Si
Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte Siya’y isang kuwentista at nobelista. Marami na siyang
naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang
nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Brgado na nag-edit ng Pamulinawen,
isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong
Legal ng GUMIL, Metro Manila.
II.
Buod
Nagsimula ang istorya sa isang umaga
habang si aling Marta ay papuntang palengke para mamili ng uulamin ng kanyang
mag anak para tanhalian. Espesyal ang araw na iyon kaya kailangan niyang mag
handa ng spesyal sapagkat ga-gradweyt na ang kangyang anak sa mataas na
paaralan. Para sa kanya, malaking bagay na para sa isang mahirap na magulang
ang makapagpatapos ng anak sa high school. Sinimulan na niyang baybayin ang
daan patungong palengke. Nang marating na niya ito, kitang kita mula sa labas
ng palengke ang di magkamayaw na tindero’t tinder na halos pasigaw ng bibinta
ang kanilang binibinta at ang mga mamimimili ay walang humpay sa pagtawad. Linggo
ny umaga iyon kaya maraming tao at siksikan, sa kanyang daan papasok, nabangga
siya ng isang gusgusing bata, marumi at payat na may dalang tigbebenteng
bangus. Sa wari niya ang batang iyong ay mahirap. Humingi ng paumanhin ang bata
sa nangyari ngunit binulywawan niya ito saka nagpatuloy sa paglakad. Papunta na
siya sa tindahan ni aling Gondang kung saan madalas siyan bumili. Ng akmang
babayad na siya at dumukot sa kanyang bulsa, doon niya napagtantong ang kanyang
kalupi ay nawawala, ang ngiting naipinta sa kanyang manipis na labi ay biglang
nawala, pagkalaoy parang kidlat niyang naalala ang batang bumangga sa kanya
nung siya ay papasok pa lamang sa palengke, walang pasabi siyang umalis sa
tindahan ni aling Gondang at hinanap ang gusgusing bata na bumangga sa kanya, hinanap niya kung
saan-saan at nakita ang bata sa gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan sa
natatanaw niyang karatig na outpost. Pagkakit’y agad niya itong binatak at
hinawakan sa leeg upang paaminin sa pagdukot ng kanyang pitaka ngunit hindi
umamin ang bata na si Andres Reyes, sa halip nagsalita lang ito ng mahina at
sinabing hindi niya kinuha ang kalupi, nanggagalaiti sag alit si aling Marta,
napapansin narin sila ng mga tao. Maya-maya pa’y dumating ang isang pulis at
sinubukang ayusin ang sitwasyon ngunit si aling Marta ay inip na at galit at
sinabing dalhin na ang bata sa outpust. Pagdating nila sa outpost umalis muna
ang pulis para kumuha nga kahalili, samantalang ang batang gusgusin ay nilalaro
ang sa kanyang daliri ang hawak na tig bebenteng bangus, pagkalao’y naalala ni
aling Mart ang kanang anak na gagradweyt at ang kanyang asawa na inip ng
naghihintay sa kanya, bunga ng galit inusig niyang ulit ang bata at pilit na
pinapaamin kung saan dinala ang kanyang kalupi. Ang bata ay umiiyak na sa sakit
at pagkuay kinagat niya ang daliri ni Aling Marta, ayaw man niyang tumakbo
ngunit siya’y natatakot na kay aAling Marta dagli siyang tumakbo palayo sa
outpost kung saan naroon si Aling Marta, hinahabol siya kasama nung pulis na
kaninay nag interbyu sa kanya. Wala ng ibang marinig si Andres kundi ang
malakas na tilian ng mga tao at isang malaks na busina ng sasakyan. Biglang nagdilim
ang kanyang paningin at sa muling pagdilat ni Andres nakita niya ang kanyang
katawang lupaypay na naliligo sa sariling dugo. Samantalang si Aling Marta ay
tila tinakasan ng kulay, pinagpapawisan ng malamig at kumakatog ang tuhod. Maraming
tao na ang nakapaligid sa kanila at minabuti niyang kinausap ang pulis at
nagpaalam na siya’y aalis na. samu’t sari ang tumayakbo sa isipan ni Aling
Marta at naisip niyang umutang muna ng pang ulam kina Aling Gondang ng sag anon,
hindi siya mapapgalitan ng kanyang mister at sasabihin na lamang nito na nawala
ang kanyang kalupi pagkatapos ng kumain. Malayo pa lamang siya sa kanilang
bahay ay natanaw na niya ang kanyang anak na nakadungaw sa bintana nakangiti sa
kanya at sinalubong siya, pagkalapit na niy, iglang kumunot ang noon g kanyang
anak at nagtanong kung saan siya kumuha ng perang pambili sa kanyang dala,
utal-utal na sabi naman ni Aling Marta na sa kanyang kalupi, sumungaw ang payat
na mukha ng kanyang asawa at sinabing.. “Ngunit, Marta, ang
pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng
iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan
kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, parang kidlat na sumagi sa kanyang isip ang
mga nangyari sa palengke at ang gusgusing bata na bago namatay ay pilit na
sinasabing kahit kapkapan pa siya ng kapkapan, walang makukuha sa kanya. Saglit
siyang natigilan at pinangangapusan ng hininga, sa wari niya’y umiikot ang
buong paligid. Tanging narinig na lamang niya ang yapag ng kanyang asawa’t anak
patungo sa kanya na tinatanong, “Bakit kaya” “Bakit kaya”
Pamagat
“Ang Kalupi”
a.
Tagpuan
Sa “Palengke”
kung saan nabundol si Aling Marta ng isang nagmamadaling gusgusing bata na may
hawak na tig-bebentang bangus.
b.
Tauhan
Aling Marta - sumisimbolo sa isang ina na may matayog na
pangarap sa kanyang buhay, isang ambisyosa at mapanghusgang maybahay.
Gagradweyt
na babae - anak ni aling marta na magtatapos ng pag-aaral
sa high school
Andres
Reyes - ang gusgusing bata na nakabundol
kay Aling Marta
Aling Gondang - isa sa mga tindera sa palengke na
madalas binibilhan ni Aling Marta
Pulis - ang umaksyon sa gulong
kinasasankutan ni Aling Marta at ng bata.
IV. Epekto sa mambabasa
Magkakaroon ng masidhing damdamin at mamumulat
sa realidad n gating lipunan. Bawat tauhan ng kwento ay sumisimbolo sa bawat
uri ng tao ang meron tayo sa ating komunidad.
V. Konklusyon
a. Aral
Hindi magandang ugali ang manghusga sa kapwa
lalo pa’t ang basehan lamang n gating panghuhusga ay ang kanyang pisikal na
kaanyuan. Hindi lahat ng gusgusin at mukhang mahirap ay mandurugas o masamang
tao. Hindi rin makakabuti sa tin kung hindi nayin matanggap an gating sarili, an
gating estado sa buhay. Hindi naman masama ang mangarap at maghangad ng
masaganang buhay huwag lamang natin tularan ang pamamamaraan ni Aling Marta.
b. Puna
nakakapukaw damdamin ang kwentong
ito, dapat lamang na mabasa ito ng lahat ang nais ko lamang ay mabigyan ng katarungan ang
pagkawalang hustisya sa mga bata o taong katulad ni Andres, bagaman gusgusin
hinuhusgahan na agad na masama ang loob. Nabigyan pa sana ng pagkakataon si
Andres na ipagtanggol ang kanyang sarili at mapatunayan na siya’y inosente.